1,227 bagong COVID cases naitala sa Pinas

1,227 bagong COVID cases naitala sa Pinas

November 12, 2022 @ 8:45 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nasa kabuuang 4,015,266 na ang kaso ng COVID-19 sa bansa makaraang nakapagtala pa nitong Biyernes ng 1,227 bagong kaso.

Ito na ang ikatlong sunod na araw mahigit 1,000 bagong impeksyon ng COVID-19 na ang namonitor sa bansa.

Ayon sa DOH, tumaas ang aktibong kaso sa 17,188 mula sa 16,526 na naiulat noong Huwebes.

Tumaas din ang kabuuang gumaling sa 3,933,723 habang ang death toll ay umakyat sa 64,355.

Ang pinakamataas na bilang ng mga bagong impeksyon sa COVID-19 sa nakalipas na 14 na araw ay sinusubaybayan sa National Capital Region na may 2,876.

Sinundan ito ng Region IV-A na may 1,654; Rehiyon VI na may 1,293; Rehiyon III na may 974; at Rehiyon XI na may 911.

Nitong Huwebes, 24.4% ang bed occupancy rate sa bansa, na may 6,928 okupado at 21,456 bakanteng kama. Jocelyn Tabangcura-Domenden