1,232 bagong kaso ng COVID naitala

1,232 bagong kaso ng COVID naitala

November 13, 2022 @ 9:19 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ng 1,232 na bagong kaso ng COVID-19 ang bansa sa huling ulat ng Department of Health nitong Sabado, Nobyembre 12.

Dahil dito ay umakyat na sa 17,675 ang aktibong kaso ng nasabing sakit.

Nagpadagdag ito sa kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID simula noong Marso 2020 sa 4,016,401 kabilang ang 3,934,344 na mga gumaling at 64,382 total fatalities.

Nananatiling National Capital Region ang may pinakamataas na mga bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na dalawang linggo sa 2,831 na kaso, sinundan ng Calabarzon sa 1,598; Western Visayas sa 1,325; Central Luzon sa 975; at Central Visayas sa 862. RNT/JGC