1,234 bagong kaso ng COVID naitala

1,234 bagong kaso ng COVID naitala

December 4, 2022 @ 9:05 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Department of Health ng 1,234 bagong kaso ng COVID-19 nitong Sabado, Disyembre 3.

Dahil dito ay bumaba sa 18,430 ang aktibong kaso ng sakit samantala umakyat naman sa 4,039,978 ang kabuuang bilang nito sa buong bansa mula nang magsimula ang pandemya.

Nananatiling pinakamataas pa rin ang mga bagong kaso na naitala sa nakalipas na dalawang linggo sa National Capital Region na may 4,616 kaso, sinundan ng Calabarzon sa 1,989 kaso, Central Luzon sa 1,028 kaso, Western Visayas na may 986 at Central Visayas sa 935.

Nadagdagan naman ng 1,712 ang mga bagong gumaling sa COVID-19 kung kaya’t tumaas na sa 3,956,847 ang total recoveries.

Sumampa rin sa 64,701 ang total death toll sa 19 new fatalities. RNT/JGC