125 huli sa P1.1M bato, damo;184 sugarol, 7 kriminal, 97 wanted nalambat sa Bulacan

125 huli sa P1.1M bato, damo;184 sugarol, 7 kriminal, 97 wanted nalambat sa Bulacan

June 27, 2022 @ 5:58 PM 2 months ago


Bulacan- Nasa P1,189,565.06 halaga ng iligal na droga ang nasamsam sa 125 hinihinalang tulak habang 184 sugarol,7 kriminal at 97 wanted ang nahuli sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa iba’t ibang bayan.

Base sa report,nasa 430 sachets hinihinalang shabu at 21 sachets na hinihinalang marijuana na may halagang P1,189,565.6 at mga paraphernalia ang nasabat sa 125 drug pushers sa serye ng buy-bust operation.

Nasa 184 indibiduwal ang nahuli na aktong nagsusugal ng tong-its, pusoy biliard, cara y cruz, mah-jong at STL bookies na nahulihan din ng assorted gambling paraphernalia at pusta sa magkakahiwalay na anti-gambling operation.

Samantala, pitong kriminal ang sinilbihan ng search warrant habang 97 wanted kabilang ang walong most wanted ang nadapuli ng mga awtoridad sa ikinasang. Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation. Dick Mirasol III