127 patay sa football match sa Indonesia

127 patay sa football match sa Indonesia

October 2, 2022 @ 11:12 AM 2 months ago


INDONESIA – Tinatayang nasa 127 katao ang nasawi at 180 ang nasaktan sa nangyaring stampede sa isang football match sa East Java, Indonesia.

Matapos ang laban sa pagitan ng koponan na Arema FC at Persebaya Surabaya, sumugod ang mga tagasuporta ng natalong koponan.

Sa ulat ng East Java Police, nagbato naman ng tear gas ang pulisya na nagresulta sa stampede at suffocation sa mga manonood.

Suspendido ang laro ng Indonesian top league BRI Liga 1 sa loob ng isang linggo habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ayon sa Football Association of Indonesia (PSSI).

Sa impormasyon, matagal nang mayroong girian ang kanya-kanyang tagasuporta ng mga koponan na nagresulta sa mga insidente ng karahasan. RNT/JGC