12M COVID-19 jabs naiturok na sa Pinas

12M COVID-19 jabs naiturok na sa Pinas

July 7, 2021 @ 3:50 PM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Nalagpasan na ng Pilipinas ang 12 milyon mark sa pagbabakuna laban sa COVID-19 nitong Martes, ayon kay National Task Force Against Covid-19 Vivencio Dizon.

Sa isang press conference sa Clark Freeport Zone, sinabi ni Dizon na umabot sa 2 million doses na bakuna ang naiturok nitong nakaraang linggo lamang.

Tignan: 1000 Doses ng bakuna ang ni roll out sa Lucky China Town Mall

Ani Dizon na ito ay senyales na napabibilis na ang vaccination rollout ng Pilipinas.

Sa kabila nito, inianunsyo naman ni Dizon ang pagkaantala ng pagdating ng dagdag na Sinovac vaccine mula Tsina kaya naman hinihikayat niya ang local government units (LGUs) na unahin muna ang ikalawang doses ng bakuna.

Itinuro naman ni Dizon na ang malaking demand sa bakuna ang sanhi ng mga pagkabalam ng delivery. RNT


  •  
  •  
  •