12TH GAWAD KALIGTASAN AT KALUSUGAN NG DOLE-OSHC

12TH GAWAD KALIGTASAN AT KALUSUGAN NG DOLE-OSHC

March 31, 2022 @ 10:48 AM 3 months ago


NAKAPAHALAGA ng hazard observation campaign. Sa pamamagitan nito, nakikita natin ang mga kamalian tulad ng unsafe act at unsafe condition sa pinagtatrabahuhang kompanya. Napapaalalahanan din ang mga employer at manggagawa na ipatupad ang mga praktikal na solusyon upang tuluyan nang maiwasan ang mga bagay na nagdudulot ng aksidente at sakit.

Upang mas mapaigting ang health and safety culture sa paggawa, minabuti ng Occupational Sa-fety and Health Center (OSHC) ng Department of Labor and Employment na ipagpatuloy ang nakaugaliang Gawad Kaligtasan at Kalusu-gan o GKK para sa mga kompanya at indibidwal na kinakitaan ng pagsisikap sa pagpuksa ng mga ha-zard upang magkaroon ng maayos at matiwasay na kultura.

Ngayong 2022, ating masasaksihan muli ang pamosong programa ng OSHC. Paparangalan nito ang “best of the best” at tatawagin din silang GKK Champions dahil sa kanilang ipinakitang husay sa pagpuksa ng hazard.

Kabilang ang GKK award sa Vision 1 Million Program ng OSHC. Isang istratehiyang mag-aangat sa kaalaman at kakayahan sa pagpapatupad ng mga panuntunan upang tuluyang maiwasan ang aksidente at sakit.

Layunin ng GKK na kilalanin ang mga institusyon, kompanya at indibidwal na may angking galing sa pagpapatupad ng health and safety policies and programs. Binibigyang- pansin din ng GKK ang pagpapabuti, pagbabago at pagkukusang ginagawa ng micro-enterprise at informal sector maabot lang ang healthy and safe working environment. Ka-bilang din sa layunin ang paghikayat sa lahat upang seryosohin at patuloy na isagawa ang epektibong implementasyon ng mga programa hindi lang para maging ligtas at malusog kundi para mas magkaroon ng de-kalidad at maayos na produks-yon sa paggawa.

Sa huli, panalo ang kompanyang nagkakaisa ang employer at obrero sa pagsawata sa hazards. Mas madaling maiiwasan ang aksidente at sakit. May reward pang matatanggap ang sinomang mananalo mula sa DOLE-OSHC.

Para sa karagdagang impormasyon at detalye ukol sa 12th GKK, i-click ang <oshc.dole.gov.ph>.

MABUHAY ang 12th GKK at MABUHAY ka Executive Director Noel Binag gayundin sa lahat ng empleyado ng OSHC.