13-anyos na biker patay sa pinto ng truck

13-anyos na biker patay sa pinto ng truck

October 4, 2022 @ 12:27 PM 2 months ago


BATANGAS- MAAGANG binawian ng buhay ang isang binatilyong biker matapos aksidenteng tamaan ng nagbukas na pinto ng truck at nasagasaan ng van, nitong Biyernes sa baya ng San Jose.

Kinilala ang biktimang si John Martin Perez, 13-anyos at residente sa nasabing lugar.

Nakakulong naman sa San Jose Police Station ang driver ng elf truck na si Philip Cuga-ay at driver ng van na si Michael Lachica.

Batay sa report ng pulisya, dakong 4:00 PM naganap ang insidente sa kalsadang sakop ng Barangay Calansayan, ng nasabing lungsod.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, sakay ang biktima ng kanyang bisikleta habang binabaybay ang kalsada ng nasabing lugar bigla na lamang siyang tinamaan ng pinto ng elf truck ni Cuga-ay na nooy nakaparada sa gilid ng kalsada.

Dahil dito, tumilapon ang biktima sa kalsada at sakto naman paparating ang van na minamaneho ni Lachica at nasagasaan ito.

Nagawa naman isugod sa ospital ang biktima subalit dineklara na rin itong patay ng umatending doktor.

Sumuko naman sa pulisya ang dalawang driver at inihahanda ang kaukulang kasong isasampa sa mga ito./Mary Anne Sapico