13-anyos patay sa tuli sa Lucena

13-anyos patay sa tuli sa Lucena

March 26, 2022 @ 9:00 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Patay ang isang 13-anyos sa Lucena, Quezon nitong Sabado matapos duguin kasunod ng kanyang pagpapatuli.

Batay sa ulat, matapos ang isinagawang operasyon sa programang libreng tuli sa kanilang komunidad ay hindi tumigil ang pagdurugo ng binatilyo.

Sinabi naman ng lolo ng lalaki na dinala ito sa ospital nitong Lunes, at doon na rin binawian ng buhay.

Humihingi naman ng tulong ang pamilya ng lalaki upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay nito.

Ang programang libreng tuli ay inorganisa ng Scout Royale Brotherhood.

Iniimbestigahan na ng Public Attorney’s Office ang insidente. RNT/SA