13 babae, nagkatulo sa pagdroga, pag-rape ng UN official

13 babae, nagkatulo sa pagdroga, pag-rape ng UN official

October 28, 2022 @ 3:30 PM 1 month ago


UNITES STATES – Hinatulang nagkasala ang isang dating mataas na opisyal ng United Nations sa pagdroga saka pag-rape hanggang sa magkatulo ang mahigit 13 babaeng kasama niya sa trabaho sa US at iba pang bansa.

Kinilala ni Manhattan Federal Court Judge Naomi Reice Buchwald ang convict na si Karim Elkorany, 38, communications specialist ng UN at taga- West Orange, New Jersey.

Kabilang sa mga naging biktima nito ang ilang mediawomen, iskolar ng Fulbright at empleyado mismo ng UN at ilan dito ang nahawa ng sexually transmitted disease sa hindi paggamit ng condom habang ginagawa nito ang krimen.

Hinatulan si Elkorany ng 15 taong pagkabilanggo sa nagawa niyang krimen.

Ginawa umano ni Elkorany ang mga krimen sa loob ng mga sasakyan at iba pang lugar habang nakadestino ito sa Iraq, Egypt at US.

Hindi umano nakapanlaban ang mga biktima dahil sa kanilang panghihina sa drogang ipinapainom sa kanila bago sila gawan ng pang-aabuso.

Hindi pinipili ni Elkorany ang kanyang mga biktima at kasama rito maging ang mga alam niyang may-asawa at anak na. RNT/FC