13 bakwit na OFW sa Ukraine, sinundo ni Locsin

13 bakwit na OFW sa Ukraine, sinundo ni Locsin

February 28, 2022 @ 7:13 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Malugod na tinanggap mismo ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang 13 Filipino na bakwit mula Ukraine sa Rava-Ruska-Hrebenne Border Crossing Station sa Poland.

Sa isang video na na-upload sa opisyal na Twitter account ng Department of Foreign Affairs (DFA) Linggo ng umaga, nakaabot-kamay ni Locsin ang mga Filipino evacuees sakay ng bus pagkatapos ng limang oras na paghihintay.

Sinamahan siya ni Assistant Secretary for European Affairs Jaime Victor Ledda sa pakikipagkita sa mga bakwit na OFWs.

Ang mga evacuee ay pinangunahan ni Philippine Ambassador to Poland Leah Basinang-Ruiz, na siyang namamahala rin sa pagpapauwi ng mga Pilipino sa Ukraine.

“We are on high-alert 24/7 to ensure that Filipinos are safe in this conflict. Our embassies in Poland and Hungary have been working hard these past days to account for each Filipino in Ukraine, and to repatriate them as soon as possible. Our people only need to ask, and we will get them home safe,” ani Locsin.

Hinimok naman ng DFA ang mga Pilipino sa Ukraine na mag-ingat at manatiling mapagbantay.

Pinaalalahanan din sila nito na makipag-ugnayan kaagad sa Philippine Embassy team sa Lviv o sa Consulate General sa Kyiv kung kailangan nila ng tulong. RNT