13 construction worker tiklo sa droga sa loob ng Army HQ

13 construction worker tiklo sa droga sa loob ng Army HQ

October 13, 2022 @ 9:34 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Arestado ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 13 construction worker sa ikinasang buy-bust operation sa loob mismo ng Philippine Army headquarters sa Fort Bonifacio nitong Lunes, Oktubre 10.

Sa isang statement, sinabi ng PA na ang construction site ay nagsilbi umanong drug den ng mga suspek.

Tumagal naman ng halos isang buwan ang surveillance ng mga operatiba sa naturang construction site.

“Joint operatives launched the drug sting after a month-long surveillance effort that ended with a PDEA poseur buyer transacting with the suspects at the drug den within the construction site,” anang Army.

“The arrested construction worker states that he and his fellow suspects pool their meager daily income to buy shabu to keep them alert and active while at work,” dagdag pa.

Ayon pa kay Army spokesperson Colonel Xerxes Trinidad, ang mga shabu ay binili sa labas ng kampo at ipinapasok doon sa maliliit na sachet.

Umabot sa P88,000 halaga ng shabu ang nakumpiska mula sa 13 suspek.

Nasa kustodiya na ng PDEA ang mga nahuli at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022. RNT/JGC