13 kawatan minalas sa Valenzuela Police

13 kawatan minalas sa Valenzuela Police

October 21, 2022 @ 12:26 PM 1 month ago


Labingtatlong kawatang pinaghahanap dahil sa sari-saring krimen ang minalas na masakote ng Valenzuela Police sa isang linggong operasyon mula Oktubre 14 hanggang 20.

Pinakahuling nadakip hapon ng Oktubre 20 si Dionisio Lasconia, 61, dahil sa paglabag sa Section 55 ng Republic Act (R.A.) 4136 o Duty of the driver in case of accident ng Land Transportation and Traffic Code.

Bago ito ay nasakote sina Kyle Renz Rama, 21 dahil sa two counts ng child abuse sa ilalim ng Section 5(b) ng R.A. 7610; Jeffrey Salonga, 27, robbery; Alexis Peralta, 30, paglabag sa city city ordinance, at; Joshua Lopez, 21, paglabag sa city ordinance.

Hinuli rin sina Renzo Midoro, 21, na kinasuhan ng grave threats; Kenneth Acob, 30, na may kasong two counts of sexual abuse under section 5(b) of R.A. 7610, at paglabag sa Section 10(A) of R.A. 7610; Milagros Soriano, 66, estafa, at; Albert Estargo, 38, paglabag sa Section 5(B) of R.A. 7610 (three counts).

Kabilang din sa mga dinamba sina Ma. Clarissa Tolentino, 28, dahil sa qualified theft; Edison Agustin, 35, attempted homicide; Micaella Madayag, 25, unjust vexation; at; Danilo Raymundo, 73, for statutory rape, at two counts of lascivious conduct of R.A. 7610. Merly Iral