13 lalawigan tatanggap ng P350M pondo sa kalsada, tulay

13 lalawigan tatanggap ng P350M pondo sa kalsada, tulay

June 3, 2021 @ 6:33 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Tatanggap ang 13 lalawigan ng pondo mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa pagsasaayos ng mga kalsada at tuloy ngayong taon.

May pondo itong P350 milyon sa ilalim ng Conditional Matching Grant to Provinces (CMGP).

Ayon kay DILG spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya, bibigyan ng pondo para sa pagsasaayos ng mga kalsada at tulay ang:

  • Ilocos Norte

  • La Union

  • Apayao

  • Benguet

  • Mountain Province

  • Nueva Ecija

  • Pampanga

  • Tarlac

  • Laguna

  • Western Samar

  • Davao Occidental

  • Dinagat Islands

  • Agusan del Sur

Sinabi rin ni Malaya na kaagad ng mga kinakailangang requirement ang mga lalawigan upang mapadali ang paglabas ng pondo.

Sa parehas na programa, 915 provincial road projects na may kabuuang pondo na P39.192 bilyon ang tapos na.

“With better provincial road networks, these infrastructure development will lead to faster economic recovery amidst the COVID-19 pandemic and more peaceful communities in far- flung areas,” para naman kay DILG Secretary Eduardo Año. RNT/ELM