13 lindol sa bulkang Taal naitala

13 lindol sa bulkang Taal naitala

January 31, 2022 @ 10:56 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ang PHIVOLCS ng 13 na volcanic earthquakes sa Taal sa nakalipas na 24 oras.

Ang nasabing mga pagyanig ay tumagal ng halos tatlong minute, dagdag pa ng seismic bureau.

Nagbuga rin ang Taal Volcano ng 4,829 tons ng sulfur dioxide nitogn Sabado, kung saan halos 1,000 metro ang taas nito.

Nananatili ang Alert Level 2 sa Taal Volcano, dagdag pa ng PHIVOLCS.

Ipinaalala naman ng PHIVOLCS na ang Taal Volcano Island ay nasa ilalim pa rin ng Permanent Danger Zone, at pinagbabawalan ang sinoman na lumapit dito. RNT