13 minalas sa pandemya sa CAMANAVA

13 minalas sa pandemya sa CAMANAVA

January 27, 2022 @ 11:11 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Labingtatlo ang patay sa COVID-19 sa Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela (CAMANAVA) area ayon sa pinakabagong ulat ng mga health offices ng mga nasabing lungsod.

Umakyat sa 1,671 ang COVID death toll sa Caloocan nitong Enero 26 mula 1,662 noong Enero 22 o karagdagang siyam na casualties habang bumaba sa 270 ang active cases mula sa dating 332.

Pumalo na sa 69,361 ang total confirmed cases sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 67,420 na ang gumaling.

Tig-isa namang COVID patients na namatay ang mga barangay ng Catmon at Longos sa Malabon nitong Enero 26 at sumipa na ang COVID death toll ng siyudad sa 696.

Maliban dito, 66 ang nadagdag na confirmed cases sa nasabing petsa at sa kabuuan ay 24,961 ang positive cases sa lungsod, 217 dito ang active cases. Sa kabilang banda, 68 ang bilang ng mga gumaling at sa kabuuan ay 24,048 ang recovered patients ng Malabon.

Isang COVID patient naman ang natodas sa Navotas nitong Enero 25 at 279 ang active cases sa lungsod, habang 279 ang active cases makaraang 100 ang gumaling at 14 ang magpositibo sa virus.

Sumampa na sa 20,891 ang total cases sa lungsod, at dito ay 19,989 na ang nakarekober at 623 na ang namamatay.

Isa ring may COVID ang namatay sa Valenzuela City nitong Enero 26, habang 851 ang active cases matapos na 63 ang gumaling at 101 ang mahawa.

Tumuntong na sa 42,996 ang nasapul ng pandemya sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 41, 249 na ang gumaling at 896 na ang namatay. Merly Iral