13 panukala naipasa ng Kamara

13 panukala naipasa ng Kamara

December 13, 2022 @ 4:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sa loob ng isang araw, nasa 13 panukalang batas ang naipasa sa ikatlo at huling pagbasa ng House of Repreesntatives sa naging sesyon nito noong Lunes.

Ang nasabing mga panukalang batas ay pawang priority measures ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr.

Kabilang sa naaprubahan ay ang National Disease Prevention Management Authority or Center for Disease Control and Prevention Medical Reserve Corps (HEART), Agrarian Reform Debts Condonation, Philippine Passport Act, and Internet Transaction Act / E-Commerce Law.

Gayundin ang Waste-to-Energy Bill, Free Legal Assistance for Police and Soldiers, Apprenticeship Act, Public–Private Partnership (PPP) Act, Magna Carta of Barangay Health Workers, Valuation Reform Bill (Package 3), Eastern Visayas Development Authority (EVDA) at Leyte Ecological Industrial Zone.

Sa naging sesyon noong Lunes ay sinimulan din ng Kamara ang deliberasyon para sa panukalang pagbuo ng Maharlika Investment Fund (MIF).

Noong nakaraang Linggo ay matatandaang naipasa na din ng Kamara at Senado ang 2023 national budget, inaasahang lalagdaan ito pagbalik ni Pangulong Marcos sa kanyang Belgium trip para sa EU-ASEAN Commemorative Summit.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez patuloy na tututukan ng Kamara ang priority bills ni administrasyon.

“We are on the first stage to full economic recovery, and we are marching on the right direction. Judging from interests shown by global businessmen in our international roadshow with the President, the Philippines may soon become the favorite investment destination in Asia. We, in Congress, are committed to bring this goal to reality. Stay the course with us, and share the benefits of progress and development. The best is yet to come,” pagtatapos ni Romualdez. Gail Mendoza