13 Pinoy seafarers nakauwi na galing Ukraine

13 Pinoy seafarers nakauwi na galing Ukraine

March 26, 2022 @ 1:45 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Nakauwi na sa Pilipinas nitong Biyernes ang panibagong batch ng mga Pilipinong mandaragat mula sa Ukraine.

Labintatlong mandaragat mula sa MV Ithaca Prospect ang dumating sa Clark International Airport sa Pampanga nitong Biyernes ng hapon, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA). 

Sa kabuuan ay umabot na sa 323 Pilipinong mandaragat ang napauwi galing Ukraine nang sakupin ito ng Russia noong Pebrero 24.

Sinabi pa ng DFA na 8 crewmen ng MV Filia Glory ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Inilahad naman ng DFA na mas mahirap na ang pagpapauwi sa mga mandaragat lalo na at mas matindi na ang nagaganap na labanan sa lungsod ng Mykolaiv.

“The evacuation of the seafarers was a big challenge because they have to disembark the ship through small boats that will bring them to shore. And we did this twice since the second batch of the crew was evacuated on another day,” ani Frank Cimafranca ng Philippine Embassy sa Budapest, Hungary, base sa pahayag ng DFA. RNT/SA