“13 Reasons Why” actor, sumali sa kampaniya kontra droga

“13 Reasons Why” actor, sumali sa kampaniya kontra droga

June 24, 2018 @ 2:58 PM 4 years ago


Sa Instagram post ni Brandon Larracuente, aktor na gumanap bilang palakaibigang si Jeff Atkins sa series na “13 Reasons Why”, ipinahayag niya na siya ay parte ng isang kampaniya kontra droga.

Ang karakter na ginampanan ni Brandon ay isang palakaibigang atleta na lumabas sa maiksing flashback sa kalalabas pa lang na second season ng nasabing series.

Sa kaniyang pagganap bilang popular kid na hindi palaaway, sinabi ni Brandon sa isang interview na, “It just shows the message we were trying to portray. Spread kindness to everyone, not just the person in your ‘clique.’”

Bukod sa pagiging aktor, si Brandon din ay umaming parte ng isang pharmacy store chain’s campaign na naglalayong wakasan ang drug-related crisis particular na sa opioid abuse.

https://www.instagram.com/p/BiUpUbchM8g/?hl=en&tagged=itendswithus

“It has been my honor to partner with @Walgreens to bring awareness to the opioid epidemic… learn what steps you can take to end [it]. Together #ItEndsWithUs,” sabi ng 23 years old na actor sa kaniyang post.

Ang pag-abuso sa opioids, isang narcotic pain medication gaya ng morphine at fentanyl, ay nagdudulot ng fatal overdose, base sa report ng United States’ Center for Disease Control and Prevention. (Remate News Team)