13 sugatan sa paputok noong New Year sa Navotas

13 sugatan sa paputok noong New Year sa Navotas

January 2, 2023 @ 12:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Umabot sa labintatlong indibidwal ang napaulat na nasugatan dahil sa paputok noong pagsalubong ng Bagong Taon sa Navotas City.

Sa report ni PSSg Karl Benzon Dela Cruz kay Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging, noong alas-8 ng umaga ng January 1, 2023, 13 indibidwal ang naitala na dinala sa Navotas City Hospital (NCH) dahil sa mga pinsalang may kinalaman sa paputok.

Ang mga sugatan biktima ay kinabibilangan ng dalawang batang babae na edad 8 at 9, isang 17-anyos na lalaki, anim na babae at apat na lalaking, pawang mga nasa hustong gulang.

Isinugod ang mga biktima sa NCH at matapos magamot ang tinamong mga sugat ay agad din naman silang pinauwi sa kani-kanilang bahay. Boysan Buenaventura