1,300 dayuhan ‘di pinapasok ng BI

1,300 dayuhan ‘di pinapasok ng BI

January 26, 2022 @ 7:20 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Umabot sa mahigit 1,300 dayuhan ang hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na makapasok ng bansa nitong taon 2021 bilang bahagi ng kanilang kampanya laban sa mga “undesirable aliens”.

Sa ulat kay BI Commissioner Jaime Morente, sinabi ni BI port operations division chief Atty. Sinabi ni Carlos Capulong na may kabuuang 1,320 dayuhan ang tinanggihang makapasok nitong 2021, na mas mababa kaysa sa mahigit 3,000 dayuhang mamamayan na naharang noong 2020.

Nilinaw naman ni Capulong na inaasahan na ang pagbaba ng nasbaing bilang dahil na din sa mga travel ban na ipinataw sa buong taon ng 2021, na nagresulta naman sa mas mababang bilang ng mga dumarating na pasahero.

Nabatid din kay Capulong na nasa 450 Chinese nationals ang nanguna sa listahan ng mga “excluded aliens”, na sinundan ng 261 Vietnamese; 159 Americans; 33 British; at 24 Israelis.

“That of the 1,320 aliens, 676 were excluded for not having the means to support their stay in the country and whose purposes of stay in the country were doubtful, while 501 were deemed as improperly documented and 69 were excluded for being blacklisted,” ani Capulong.

Tiniyak naman ni Morente na patuloy na babantayan ng BI ang mga hangganan ng bansa laban sa mga undesirable aliens.

“Despite the woes of the pandemic, our officers in the frontlines shall continue to ensure that only those eligible foreigners are allowed entry in the country,” ani Morente.  JAY Reyes