‘Defense pact’ sa Japan, ‘di pa natatalakay – PBBM

February 9, 2023 @6:24 PM
Views: 4
MANILA, Philippines- Hanggang ngayon ay wala pang pormal na pag-uusap sa pagitan ng Pilipinas at Japan hinggil sa posibleng defense cooperation deal na kahalintulad ng Visiting Forces Agreement (VFA).
Sa isang panayam, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na sa ngayon ay tinutulungan ng Japanese government ang Philippine Coast Guard sa equipment at iba pang capacity-building measures.
“Yung support nila sa Coast Guard, matagal na yan… that kind of cooperation has been ongoing. Siguro sa kanilang palagay, the next step is to the improvement, rehabilitation sa Subic, para nga sa Coast Guard,” ayon kay Pangulong Marcos.
“Naturally, the reason behind all this is they would like to have more patrols along… South China Sea para naman we can assure the freedom of passage,” dagdag na wika nito.
Aniya, siya at ang kanyang Japanese counterpart ay may layuning pagyamanin ang seguridad sa “region at cooperation” sa panahon ng kanyang official visit sa Japan.
Sabay sabing, mahalaga na gawing makabago ang armed forces ng Pilipinas.
“So this is a new element to our relationship because we’re now talking about security of the region. So being, of course, all interested in the same thing, i.e., security in the region, I think cooperation is not a bad thing,” ayon sa Chief Executive. Kris Jose
Bus terminal sa Cubao, nasunog!

February 9, 2023 @6:14 PM
Views: 13
MANILA, Philippines- Sumiklab ang isang bus terminal sa Araneta Center, Cubao nitong Huwebes, ayon sa ulat.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang apoy bandang alas-4:46 ng hapon, na umabot na sa Task Force Bravo.
Apektado rin sa sunog ang isang food and amusement park.
Ayon sa ulat, sobrang kapal nang apoy at kita mula sa malayo.
Agad na rumesponde ang mga awtoridad sa lugar. Subalit, nahirapan ang mga bumbero na apulahin ang apoy dahil sa dami ng tao. RNT/SA
Vergeire: P809M cancer fund, walang bawas

February 9, 2023 @6:12 PM
Views: 13
MANILA, Philippines- Nanatiling ‘buo’ ang P809 milyong cancer fund, ayon sa Department of Health sa kabila ng mga alegasyon ng pagsasabwatan.
Ipinaliwanag ni DOH OIC Maria Rosario Vergeire na sa halip na centrally-procured ang pondo, kailangan nilang direktang ilipat ang pera sa mga ospital para mapabilis ang proseso, na binanggit ang mga pagkaantala noong nakaraang taon.
Inaprubahan aniya ito ng National Integrated Cancer Control Council, ang pinakamataas na policy-making body for cancer control sa bansa kong saan siya noon naging miyembro.
“Dahil nga po ‘yung ating pinabibili dati natin ng gamot ‘yung mechanism natin dati hindi mapayagan ng ating COA (Commission on Audit) because may unliquidated funds ‘yung bumibili po ng gamot natin, so we had to have another means of procurement,” pahayag ni Vergeire. “Wala pong nawala dito sa prosesong ito.”
Sinabi ni Vergeire na ang mga ospital ang siyang nagpapadala ng bilang ng pasyente at gamot na kailangan upang matukoy ang halaga ng pondo na kanilang matatanggap.
Dagdag pa na nakatanggap din ang ibang ospital ng isa pang uri ng cancer funds na kanilang magagamit para makakuha ng gamot.
Inulit din ni Vergeire na ang proseso ay “aboveboard,” na nagsasabing ang National Integrated Cancer Control Council ay binigyan ng mga opsyon kung paano bumili ng mga gamot sa kanser sa panahong iyon.
“Gusto ko lang pong sabihin sa ating mga kababayan, lahat po ng ginawa naming proseso ukol dito sa pagda-download ng pera natin was aboveboard. This was through the National Integrated Cancer Control Council,” anang opisyal.
Sinabi ni Dr. Clarito Cairo Jr., ang program manager ng cancer control division ng DOH’s Disease Prevention and Control Bureau, na inilipat ang mga pondo sa 20 specialized public hospitals sa halip na 31.
Sinabi niya sa kanyang reklamo sa Office of the Ombudsman na lubhang nakapipinsala sa gobyerno at isang matinding kapinsalaan sa mga pasyente ng kanser.
Ayon naman kay Vergeire, hindi pa nila natatanggap ang anumang dokumento kaugnay sa reklamo ni Cairo sa Ombudsman. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Taas-presyo ng basic goods, oks na sa DTI

February 9, 2023 @6:00 PM
Views: 21
MANILA, Philippines- Nagbigay na ng “go signal” ang Department of Trade and Industry (DTI) sa pagpapatupad ng manufacturers ng basic necessities and prime commodities (BNPCs) ng taas-presyo sa gitna ng mataas na inflation.
Batay sa pinakabagong suggested retail price bulletin ng ahensya, ang presyo ng 76 o 35% ng stock keeping units (SKUs) ay mas mahal ng ₱0.45 hanggang ₱7.
Samanta;a, 141 o 65% ng SKUs ang walang pagbabago ang August 2022 prices.
Sinabi ng DTI na kabilang sa mga bilihin na nadagdagan ang presyo ang canned sardines in tomato sauce, processed milk, coffee 3-in-1 original, noodles, tinapay, detergent soap, canned meat, candles, at condiments.
“The DTI assures the public that price adjustments were carefully studied and kept to a minimum to ensure that affordable goods are still available in the market,” pahayag nito.
Iginiit ng departamento na mahalaga ang desisyon na pagpayag sa na magtaas ng presyo ang manufacturers “to keep their businesses running” sa gitna ng pagsirit ng presyo ng raw materials, imported products sa mga pamilihan, maging logistics.
Anito pa, walang paggalaw sa presyo ng basic and prime commodities sa nakalipas na anim ba buwan sa kabila ng pagtaas ng halaga ng produksyon.
“The DTI also keeps a close watch over the movements in prices of raw materials and continues to regularly monitor the price and supply of basic goods in the market to safeguard consumers from profiteering,” dagdag nito.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, sumampa ang inflation sa 8.7% nitong nakaraang buwan, na pinakamataas mula noong November 2008, mula sa 8.1% nitong Disyembre. RNT/SA
VFA exploratory talks ng PH sa Japan, isinusulong ni Zubiri

February 9, 2023 @5:48 PM
Views: 16