131 dagdag-kaso ng COVID naitala

131 dagdag-kaso ng COVID naitala

March 9, 2023 @ 8:44 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Department of Health (DOH) nitong Miyerkules, Marso 8 ng 133 dagdag-kaso ng COVID-19.

Dahil dito ay umakyat sa 8,943 ang aktibong kaso ng sakit sa bansa habang ang nationwide case count ay nasa 4,077,302.

Nananatiling ang National Capital Region ang may pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na dalawang linggo sa 431 kaso, sinundan ng Davao Region sa 245, Calabarzon sa 202, SOCCSKSARGEN sa 130, at Northern Mindanao sa 89 kaso.

Samantala, tumaas sa 4,002,183 ang mga gumaling sa naitalang 68 bagong recoveries.

Siyam naman ang nadagdag sa mga nasawi dahil sa COVID-19 dahilan para umakyat sa 66,176 ang death toll.

Nasa 15.9% naman ang bed occupancy rate sa bansa sa 3,976 kama na okupado at 21,088 na bakante hanggang nitong Linggo, Marso 5. RNT/JGC