132 dagdag COVID cases sa PNP; total 48,193 na

132 dagdag COVID cases sa PNP; total 48,193 na

January 31, 2022 @ 11:06 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Dagdag na 132 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa hanay ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes, dahilan para umabot na sa 48,193 ang total infections.

Sa kabila nito, 1,607 na lang ang aktibong kaso matapos na gumaling ang 122 na iba pa. Umabot na sa 46,460 ang total recoveries.

Habang nananatili sa 126 ang nasawi.

Dagdag pa ng PNP, nasa 96.97% o 218,371 sa 225,202 na active personnel ng PNP ang fully vaccinated na laban sa COVID-19. RNT