132 patay sa bumigay na tulay sa India

132 patay sa bumigay na tulay sa India

October 31, 2022 @ 2:42 PM 4 weeks ago


AHMEDABAD, India- Umakyat na sa 132 ang death toll mula sa bumagsak na tulay sa Gujarat sa India, ayon sa local government official nitong Lunes.

Puno ng tao ang isang footbridge sa may Machhu River sa bayan ng Morbi nang bumigay ito nitong Linggo, dahilan upang mahulog ang mga tao sa ilog.

“The death toll in the bridge collapse incident has gone up to 132. The search and rescue operations are continuing,” ayon sa senior official na si NK Muchhar, at sinabing posible pa itong tumaas.

Itinalaga na ang armed forces personnel kasama ang national disaster management and emergency teams mula sa mga karatig-lugar upang hanapin ang mga nawawala, base kay Muchhar.

Inihayag ng mga awtoridad na mahigit 400 indibidwal ang nasa colonial-era suspension bridge nang bumigay iro. Ipinagdiriwang ang Diwali, o festival of lights, at Chhath Puja holidays.

Itinalaga rin ang five-member team upang magsagawa ng imbestigasyon ukol dito.

Itinayo ang 230-meter bridge noong British rule sa 19th century. Isinara ito para sa renobasyon sa loo ng anim na buwan at muling binuksan para sa publiko kamakailan. RNT/SA