132 technical, vocational studes sa Navotas nagsipagtapos

132 technical, vocational studes sa Navotas nagsipagtapos

October 4, 2022 @ 5:57 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nagsipagtapos sa lokal na pamahalaang lungsod ng Navotas ang  mula sa Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute.

Dito, 13 ang nakapagtapos ng Automotive Servicing NC I; 11, Electrical Installation and Maintenance NC II; 11, Hairdressing NC II; 19, Dressmaking NC II; and 25, Basic Korean Language and Culture.

Dagdag pa, 39 trainees ang nakapagtapos ng Bread and Pastry Production NC II at 14 graduated mula sa Food and Beverage Services NC II.

Binati ni Navotas Mayor John Rey Tiangco ang mga bagong graduates sa pagtatapos ng kanilang training courses at hinimok na ipagpatuloy pa na hasain ang kaalaman dito.

“Change is inevitable. We have to constantly improve our competencies to stay ahead of the game,” ani Tiangco.

“The broader our knowledge, the more opportunities open up for us to advance in our chosen careers. The courses we offer in our training centers can equip you with the skills to help you succeed in a competitive job market,” dagdag pa ng alkalde.

Ang NAVOTAAS Institute ay naglalaan ng mga technical at vocational courses sa ilalim ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Samantala, may apat na mga training centers na bukas para sa mga Navoteño at non-Navoteño trainees at libre ito sa mga residente at ang non-residents ay maaaring mag enroll at kumuha muna ng assessment exams depende sa kursong gustong kunin. R.A Marquez