1,326 infra project sa Bicol kumpleto na

1,326 infra project sa Bicol kumpleto na

February 6, 2022 @ 2:18 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Nakumpleto na ng Department of Public Works and Highways sa Bicol (DPWH-5) ang kabuuang 1,326 na proyektong imprastraktura sa buong rehiyon noong 2021.

“Those projects will provide necessary facilities and ensure the safety and convenience of Bicolanos amid the ongoing battle against coronavirus disease (Covid-19),” ayon sa DPWH-5

Dagdag pa rito , pinangasiwaan ni DPWH Regional Director Virgilio C. Eduarte ang konstruksyon, pagpapanatili, rehabilitasyon, at pagpapalawak ng 216 na kalsada na may kabuuang haba na 188.2 kilometro, 45 permanenteng tulay, at 129 na flood mitigation structures na may kabuuang haba na 69.26 kilometro.

May 877 local programs na kinabibilangan ng limang national building program projects, dalawang school buildings, 340 local at national roads, siyam na lokal na tulay, 95 flood control and drainage structures, 393 multi-purpose buildings at structures, at 33 water management facilities ang nagawa din.

Samantala, sa pakikipagtulungan sa iba pang ahensya ng gobyerno, may kabuuang 169 na proyekto rin ang natapos na binubuo ng farm-to-market roads, access roads to airports, seaports, tourism destinations, economic zones, school buildings and facilities, at iba’t ibang imprastraktura, lahat sa suporta ng pambansang seguridad.

Sa kabila ng paghihigpit dahil sa pandemya, sinabi ng DPWH-5 na gagawin nito ang lahat para makapaghatid ng mas makabuluhang mga proyekto para sa rehiyon at sa paglago at pagbangon ng ekonomiya ng bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden