132K Sputnik V vax dose na binili ng gov’t dumating na 

132K Sputnik V vax dose na binili ng gov’t dumating na 

July 10, 2021 @ 9:00 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Dumating na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kagabi ang 132,200 dose ng Sputnik V COVID-19 vaccine na binili ng gobyerno.

Sinabing lulan ito ng Qatar Airways Flight QR928 at lumapag sa NAIA Terminal 3 bandang 10:50 p.m.

Iniulat na 82,000 dose ang ipamimigay para sa first dose habang 50,000 ang itatakda para sa second dose.

Samantala, nabakunahan na ang nasa kabuuang 9,493,839 indibidwal kung saan 3,209,242 nito ay tumanggap na ng second dose. RNT/FGDC