133 bata sa Indonesia, patay sa medicine syrup

133 bata sa Indonesia, patay sa medicine syrup

October 22, 2022 @ 10:10 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Umakyat na sa 133 na mga bata sa Indonesia ang nasawi dahil sa acute kidney injury.

Ito ang sinabi ng health minister ng nasabing bansa nitong Biyernes, Oktubre 21 kung saan ikinokonekta ito sa mapaminsalang sangkap na nakita sa mga medicinal syrup.

“We have identified 241 cases of acute kidney injury in 22 provinces, with 133 fatalities,” sinabi ni Health Minister Budi Gunadi Sadikin sa pulong balitaan.

Ani Budi, nakakita ng delikadong sangkap ang mga awtoridad sa mga naturang gamot.

“Seven out of 11 children had that harmful substance: ethylene glycol, diethylene glycol and ethylene glycol butyl ether. It is confirmed that (AKI) was caused by substances,” dagdag niya.

Kaugnay nito, ngayong buwan din ay sinabi ng World Health Organization na nakakita sila ng “unacceptable amount” ng diethylene glycol at ethylene glycol sa apat na Indian-made cough syrups na itinuturo ding dahilan ng pagkamatay ng nasa 70 bata sa Gambia dahil sa AKI.

Kinumpirma rin ng mga awtoridad sa Indonesia na ang kahalintulad na sangkap ay nakita sa 102 syrup medicines sa bahay ng mga apektadong bata.

Matatandaan kamakailan ay ipinagbawal na muna ang pagbebenta sa lahat ng syrup at liquid medicine prescriptions at over-the-counter sales sa Indonesia ngunit planong ilimita na lamang ito sa naturang 102 mga produkto. RNT/JGC