133K dayuhan nagsumite ng annual report – BI

133K dayuhan nagsumite ng annual report – BI

March 24, 2022 @ 8:02 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Ipinahayag ng Bureau of Immigration (BI) na mahigit 133,000 foreign nationals ang nakibahagi sa taunang ulat ng mga dayuhan ngayong taon na isinagawa noong Enero hanggang Marso 1.

Sa ulat kay Immigration Commissioner Jaime Morente, sinabi ni BI alien registration chief Atty. Jose Carlitos Licas na may kabuuang 133,557 dayuhan ang lumahok sa 2022 annual report.

Ayon sa BI, ang taunang pag-uulat ng mga dayuhan ay isinasagawa sa unang 60 araw ng kalendaryo ng bawat taon alinsunod sa mga probisyon ng Alien Registration Act of 1950.

Ang mga dayuhan na may hawak ng valid na immigrant at non-immigrant visa na inisyu ng BI ay inaatasan na gumawa ng kanilang “annual report”.

Ayon kay Licas, ang bilang ng mga reportees sa taong ito ay bahagyang mas mataas kaysa sa 130,148 na dayuhan na nag-file ng kanilang ulat noong 2021.

Aniya, ang mababang bilang ay inaasahan dahil ang taunang ulat sa taong ito ay kasabay ng napakalaking pagtaas ng mga kaso ng Covid-19 na dulot ng highly transmissible na variant ng Omicron.

Idinagdag pa ni Licas na dahil sa COVID-19 surge, inatasan ng BI ang mga reportees na magparehistro muna at mag-secure ng mga slot mula sa online appointment system ng bureau bago gumawa ng kanilang ulat.

“The implementation of the online appointment system allowed us to process the annual report and still ensure strict social distancing in our offices,” said Morente. “We believe that as we enter the new normal, the number of foreign nationals in the Philippines will once again increase,” ayon pa kay Licas. JAY Reyes