1,363 bagong COVID cases naitala sa Pinas

1,363 bagong COVID cases naitala sa Pinas

July 13, 2022 @ 7:45 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Nakapagtala sa Pilipinas ng 1,363 bagong kaso ng COVID-19 nitong Martes, ayon sa Department of Health.

Umakyat naman ang bilang ng mga aktibong kaso sa 14,464.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 3,721,413 ang naitalang kaso ng virus sa bansa, kung saan 3,646,309 ang gumaling at 60,640 ang nasawi.

Naitala ang pinakamataas na bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila sa nakalipas na dalawang linggo (8,264). Sinundan ito ng Region IV-A (3,781); Region VI (1,569); Region III (1,507) at Region VII (750).

Habang nananatili sa ligtas na lebel, inihayag ng DOH na ang bed occupancy rate isa bansa ay nananatili sa 21 porsyento. RNT/SA