138 bagong kaso ng COVID-19 sa PNP, naitala

138 bagong kaso ng COVID-19 sa PNP, naitala

June 1, 2021 @ 11:54 AM 2 years ago


MANILA, Philippines – Lumagpas na sa 24,000 ang naitatalang COVID-19 cases sa hanay ng kapulisan, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Martes nang madagdagan pa ito ng 138 bagong kaso dahilan para tumuntong na sa 24,113 ang kabuuang kaso ng sakit ang naitatala sa PNP.

Sa ngayon, nasa 1,744 active cases pa makaraang gumaling ang nasa 22,303 pulis.

Nananatili sa 66 ang nalagas sa hanay ng kapulisan dahil sa hindi nakikitang kalaban. RNT