138 COCs na-canvass na

138 COCs na-canvass na

May 13, 2022 @ 7:57 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sa pagsasagawa ng National Board of Canvassers (NBOC) ng canvassing ng certificates of canvass (COC) para sa senatorial at party-list race, natapos na ng Commission on Elections (Comelec) ang halos 140 COC.

Inanunsyo ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan na mula sa kabuuang 173 COCs na kinakailangang i-canvass, umabot na sa 138 COCs ang natapos na.

Inilahad din ng Comelec na wala nang naiwang mga COC sa ngayon na kailangang i-canvass at wala ring mga bagong transmissions kaya sinuspinde muna ang sesyon.

Wala namang naiuulat na pagkwestiyon mula sa poll watchers at ang mga kinatawan ng mga kandidato sa pagkukumpara nila ng resulta ng botohan sa hawak nilang kopya ng resulta nito mula sa mga provincial board of canvassers at maging ang resulta mula abroad.

Muling aarangkada ang sesyon ng NBOC sa Sabado, alas-3 ng hapon. RNT/SA