138 ‘peaceful protesters’ patay sa Myanmar – UN

138 ‘peaceful protesters’ patay sa Myanmar – UN

March 16, 2021 @ 7:53 AM 1 year ago


MYANMAR – Hindi bababa sa 138 indibidwal na nagsasagawa ng mapayapang protesta ang nasawi sumula nang sumiklab ang kudeta, ayon sa United Nations.

“This includes 38 people who were killed yesterday, the majority in the Hlaing Thayer area of Yangon, while 18 people were killed on Saturday,” ani Stephane Dujarric, spokesman ng UN Secretary-General Antonio Guterres.

Matatandaang umusbong ang madugong protesta sa bansa dahil sa pagkakakulong ng military ng bansa kay kay Aung San Suu Kyi at iba pang senior political leaders

Nagpahayag naman ang Pilipinas ng suporta sa agarang pagbabalik ng kaayusan sa bansa. Agence France-Presse