139 biktima ng human smuggling, nasagip sa Bataan

139 biktima ng human smuggling, nasagip sa Bataan

July 3, 2018 @ 12:23 PM 4 years ago


 

Orion, Bataan – Nasa 139 na tao na umanoy mga biktima ng human smuggling ang nasagip ng pinagsamang pwersa ng Philippine Coast Guard (PCG) at National Bureau of Investigation (NBI) sa pantalan ng Orion, Bataan kahapon ng madaling araw.

Base sa inisyal na ulat, nakatakda sanang umalis sa naturang puerto ang barkong MV Forever Lucky lulan ang mga biktima nang maharang ng mga awtoridad.

Dadalhin sana sa Micronesia ang mga biktima.

Lumalabas na ang barko ay pag-aari ng Fahrenheit Company Ltd., na nakabase sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Hawak na rin ng Coast Guard ang 41 tripulante ng barko at iniimbestigahan base sa ipinakitang mga pekeng Special Permit to Navigate.

Nadiskubre na ang naturang pampasaherong barko ay wala din Certificate of public convenience mula sa marina para mag-operate bilang pampasaherong barko.

Isinagawa ang operasyon base sa impormasyon mula sa National Coast Watch Center (NCWC) na nasa ilalim ng Office of the President. (Jeff Gallos)