1,392 pang kaso ng COVID-19 naitala; 517 nakarekober

1,392 pang kaso ng COVID-19 naitala; 517 nakarekober

July 15, 2020 @ 6:03 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nakapagtala pa ng 517 na bagong bilang ng mga nakarekober mula sa coronavirus disease 2019 ang Department of Health (DOH), dahilan upang pumalo na sa 20,976 ang kabuuang bilang nito.

Ngunit sa kabila nito, 1,392 naman ang mga bagong kaso na naitala ng ahensya sa 63 mula sa 82 licensed laboratories sa buong bansa kaya naman 58,850 na ang kabuuang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa nasabing karagdagang kaso ngayong araw, nasa 512 ang fresh cases at 880 ang late cases.

Naitala naman ng DOH na umabot sa 36,260 ang active cases.

Kabilang sa data reconciliation at validation efforts ang pagtatala ng recoveries ng mga kasong naitala mula March hanggang May 31 na asymptomatic at mild symptoms.

Sa mga nasawi, mayroong 11 na naidagdag kaya naman umabot na sa 1,614 ang mga namatay sa sakit.

Lima sa mga ito ang nasawi ngayong Hulyo at anim naman noong Hunyo.

Galing naman sa National Capital Region o NCR ang walong nasawi, isa sa Region 3, isa sa Region 4-A at isa sa Region 9.

Ayon sa datos, 4 mula sa 11 na nasawi ay nasa edad na 1, 26, 41 at 50.

Habang ang pito naman sa nasawi ay nasa edad 60 pataas.

Kaya naman mariing pinaaalalahanan ng DOH ang mga matatanda na maging mas maingat ngayong panahon ng pandemya. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •  

Loading...