13K pulis ipakakalat ng NCRPO sa NCR sa holiday season

13K pulis ipakakalat ng NCRPO sa NCR sa holiday season

December 14, 2022 @ 10:54 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Mahigit 13,000 tauhan ang ipakakalat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Metro Manila kasabay ng holiday season.

Ito ang siniguro ni NCRPO chief Maj. Gen. Jonnel Estomo nitong Martes, Disyembre 13 kung saan nakahandang tumugon sa iba’t ibang kaganapan ang limang distrito nila, ang Northern Police District, Quezon City Police District, Manila Police District, Eastern Police District, at Southern Police District.

Ang 13,000 NCRPO personnel ay ilalagay sa iba’t ibang key areas tulad ng mga simbahan, mall, public market, major thoroughfares, transportation hubs at mga terminal.

Ani Estomo, maging ang mga simbahan kasabay ng Simbang Gabi ay babantayan din.

“This is an important Filipino tradition that we cannot afford to miss. We don’t have much fret on our security preparation and implementation due to our existing S.A.F.E. NCRPO strategy where our personnel are wide awake even during unholy hour of the day,” aniya.

“We are prepared to address any security issue that can possibly spoil this event,” dagdag pa ni Estomo.

Ilalatag din ang Police Assistance Desks (PADs) malapit sa mga simbahan. RNT/JGC