13M COVID dose naiturok na sa buong bansa

13M COVID dose naiturok na sa buong bansa

July 12, 2021 @ 2:52 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Hanggang nitong July 11 ay umabot na sa 13,196,282 doses ang naiturok na .

Mula sa nasabing bilang ng doses, nasa 9,669,940 ang nakatanggap ng kanilang first dose habang  3,526,342 naman ang nakakumpleto na ng kanilang second dose.

Sa ika-19th na linggo ng vaccination program ng gobyerno, umabot na sa kabuuang 1,488,253 doses ang naibakuna na sa bansa.

Patuloy naman ang paghikayat ng DOH sa mga nakatatanda na magpabakuna at tanggapin ang kanilang second dose sa itinakdang iskedyul.

Hinikayat din ang publiko na sumunod la rin sa public health standards  dahil maari pa ring ma-infect at makahawa ng COVID-19. Joceyn Tabangcura-Domemden