13th month pay ng P’que city hall employees maagang ibibigay

13th month pay ng P’que city hall employees maagang ibibigay

November 24, 2022 @ 10:36 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Maagang matatanggap ng mga empleyado ng Parañaque City Hall ang kanilang inaasam na 13th month pay simula ng Nobyembre 22.

“We are happy to announce that we have started crediting the 13th month pay of our regular and casual employees to their bank accounts,” ani Parañaque City Mayor Eric Olivarez.

Sinabi ni Olivarez na makasisiguro rin ang mga empleyado at ang kanilang mga pamilya na magkakaroon ng masayang pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Bukod sa 13th month pay, ang lahat ng empleyado kabilang ang mga job order employees ay makatatanggap din ng karagdagang cash gift na P5,000 sa darating na unang lingo ng Disyembre.

Ayon kay Olivarez, ito ang unang pagkakataon na mapagkalooban ang mga job order employees ng P5,000 cash gift kumpara noong mga nakaraang taon na P3,000 lamang.

Dagdag pa ni Olivarez na ang bawat regular at casual na empleyado ay makatatanggap din ng productivity bonus of P5,000 na kanilang matatanggap sa ikatlong linggo ng Disyembre.

Ang lungsod ng Parañaque ay isa sa mga pinaka-financially stable na local government unit (LGU) sa bansa na naging dahilan kung bakit naging maaga ang pagbibigay ng benepisyo sa mga empleyado ng city hall. James I. Catapusan