14.3M mahihirap na pamilya nasa ‘Listahanan 3’ ng DSWD

14.3M mahihirap na pamilya nasa ‘Listahanan 3’ ng DSWD

September 19, 2020 @ 3:27 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inilista na ng Department of Social Welfare and Development ang 14.3 milyong mahihirap na pamilya sa “Listahanan 3.”

Ayon kay DSWD Undersecretary Rene Glen Paje, nasakop na nila ang nasa 88 percent ng kanilang target sa Listahanan o ang National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR).

“Nasa mahigit na 14.3 million na po o nasa 88 percent ng 16.1 million na kababayahan ang na-assess sa pagpapatuloy ng ikatlong yugto ng Listahanan o ng National Household Targeting System for Poverty Reduction,” aniya.

Dagdag pa ni Paje, nag-isyu ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ng resolusyon na kumikilala sa Listahanan 3 bilang “critical government service.” RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...