14.7M Pinoy, mababa sahod

14.7M Pinoy, mababa sahod

March 3, 2023 @ 7:28 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Tinatayang umabot na sa 30% o 14.7 mula sa  49 milyong employed Filipino ang kumikita ng mababang sahod dahil sa kakulangan o kakapusan ng kasanayan na hinahanap o required para sa isang trabaho.

Ang mga ito ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ay  ang mga taong nakagagawa ng simple at routine jobs gaya ng paglilinis, maintenance, tumutulong sa kusina, pagtatanim, pangingisda at iba pa.

“The person engaged in such occupation are among the most vulnerable to suffer when the prices of goods increase,” ayon sa World Bank (WB).

“You have a large number of people. It’s 29.9, let’s say it’s 30 percent of workers who are in the low-skill, low-productivity, low-wage occupations. Some of them are not technically poor, but they are vulnerable to shocks. They can fall into poverty anytime. When there is high increase in the prices of food, they can fall into poverty,”  ang sinabi ni WB country director Ndiame Diop.

Sinang-ayunan naman ito ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma sabay sabing gumagawa na  ngayon ng hakbang ang gobyerno  para makahikayat ng investors o mamumuhunan para makalikha ng higher-quality jobs.

“Ang challenge pa rin sa atin ay quality of jobs. It means we have to be able to really provide more secure and more quality and decent jobs to our workers,” aniya.

Sinabi pa ni Laguesma na ang low-wage Filipino ay dapat na sumasailalim sa  pagsasanay sa ilalim ng  Technical Education And Skills Development Authority (TESDA), lalo pa’t kapag mas maraming kasanayan mayroon ang isang empleyado ay mas mataas ang kita o sahod na makukuha nito.

Gayunman, may ilang indibidwal ang nagsasabi na kulang ang kanilang oras para dumalo sa mga pagsasanay para mahasa ang kanilang kakayahano angking husay.

Samantala, handa naman ang DOLE na tumulong na maghanap ng trabaho para sa mga nagnanais na magsimula ng karagdagang skills training.

“Meron kaming project na training with livelihood. Habang nagte-train merong assistance otherwise uunahin nila yung pagtugon sa basic na pangangailangan para hindi magutom ang kanilang pamilya,” dagdag na wika ni Laguesma. Kris Jose