14 anyos at live-in partner, nagbigti-patay

14 anyos at live-in partner, nagbigti-patay

November 25, 2022 @ 10:25 AM 2 weeks ago


SULTAN KUDARAT- Minabuti na lamang ng 14-anyos na dalagita at 29-anyos na nitong live-in partner na magsama sa kabilang buhay sa pamamagitan ng pagbigti sa takot na mapaghiwalay sila ng kanilang mga magulang.

Nakabigti at kapwa wala ng buhay ng matagpuan ang maglive-in partner na kapwa kabilang sa tribung Teduray at nakatira sa Barangay Pamantingan Esperanza Sultan Kudarat.

Batay sa report ng Esperanza Municipal Police Station, nakitang nakabigti gamit ang lubid at itinali sa kisame ng kanilang bahay ang mga biktima.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, tutol ang mga magulang ng dalagita sa pagsasama at planong pagpapakasal kahit pa pinapayagan ang teenage marriage sa kultura ng Teduray.

Nais ng mga magulang ng 14-anyos na makapagtapos ito ng pag-aaral hanggang sa kolehiyo.

Walang nakitang foul play sa insidente, ayon sa pulisya./Mary Anne Sapico