14-anyos, hinalay ng construction worker sa sagingan

14-anyos, hinalay ng construction worker sa sagingan

March 18, 2019 @ 1:43 PM 3 years ago


Manila, Philippines – Pareho nilang kagustuhan at walang pilitang nangyari.

Ito ang naging depense ng naarestong lalaki matapos umanong halayin ang isang 14-anyos na dalagita sa Barangay Old Balara, Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Jag Loyd Sasutil, 21-anyos at isang construction worker.

“Inisip ko talaga yon, na gagalawin ko talaga siya, first time ko ngang ginawa to,” sabi ni Sasutil.

Pero paglilinaw ng suspek na hindi niya pinilit ang dalagita dahil niniligawan pa nga raw niya ito.

Ayon sa ina ng biktima, inutusan niya ang kanyang anak na hanapin ang 4 na kapatid para makakain na ng hapunan, pero ilang oras na ang nakalipas ay hindi pa ito nakabalik sa bahay.

May nakapagsabi naman na nakita ang anak niya sa tabing-ilog na may kasamang lalaki.

Nang hanapin, natagpuan nila ang dalawang hubot hubad sa sagingan.

Ayon sa nanay ng dalagita na tinakot ng suspek ang kanyang anak kaya sumama ito, at doon na nangyari ang panghahalay.

“Tinakot daw po siya, sabi dito ka lang, saglit lang itong gagawin natin. Sasaktan kita. Siyempre yung anak ko takot yun kapag sinabi mo eh,” ayon sa ina ng biktima.

Bugbog ang inabot ng suspek sa taong-bayan na umamin sa krimeng nagawa.

Desidido naman ang nanay ng biktima na magsampa ng kasong rape laban suspek. Remate News Team