14 armas ng Abra mayor, VM isinuko sa PNP

14 armas ng Abra mayor, VM isinuko sa PNP

June 16, 2022 @ 1:00 PM 1 week ago


ABRA– Kasunod ng pagkansela ng Philippine National Police (PNP) headquarters ang license firearms ng magkapatid na Pilar Mayor Mark Roland “Maro” Somera at kapatid na si Vice Mayor Josephine “Jaja” Somera-Disono, isinuko nila ang mga baril sa Police Provincial Office (PPO), Miyerkules sa bayang ito.

Sinabi ni Capt. Marnie Abellanida, Police Regional Office-Cordillera (PROCor), information officer nasa 14 na mga armas ang isinuko ng alkalde kasama ang isang shot gun na nakapangalan sa kapatid na vice0-mayor.

Ang naturang mga armas ay cal. 40 Glock GEN 4 pistol, a cal.357 Smith and Wesson revolver, a cal.45 Glock pistol, a 12 gauge SPAS shotgun, a cal. 9mm CZ pistol, a cal.9mm STRBOG pistol, a cal.9mm MOSSBERG pistol, at cal.-45 ARMSCOR M1911 ROCK STD pistol.

Nag-ugat ang pagkansela ng license firearms ng magkapatid ng magkaroon ng shootout noong Marso 29, 2022 sa pagitan ng mga pulis at mga tauhan ng magkapatid na Somera sa Pilar, Abra.

Sinampahan na na rin ng Abra police ng kasong frustrates laban sa vice mayor habang ang National Bureau of Investigation ay sinampahan ng kasong murder sa ilang pulis ng Abra na sangkot sa pamamaril kabilang ang Regional Director na si Brig. Gen. Ronald Lee./Mary Anne Sapico