14 bilateral deals titintahan ng Pinas, China

14 bilateral deals titintahan ng Pinas, China

January 5, 2023 @ 8:35 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Titintahan ng Pilipinas at Tsina ang 14 na bilateral agreements, araw ng Miyerkules habang nasa state visit pa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa China.

Kabilang sa nasabing kasunduan ang agrikultura, imprastraktura, development cooperation, maritime security, turismo at iba pa..

Nilagdaan kapuwa ng Pilipinas at Tsina ang joint action plan para sa taong 2023-2025 na may kaugnayan sa “agricultural and fisheries cooperation” sa pagitan ng Department of Agriculture (DA) at Ministry of Agriculture and Rural Affairs ng China, at maging ang isang memorandum of understanding (MOU) ukol sa kooperasyon sa Belt and Road Initiative (BRI).

“Launched in 2013 by Chinese President Xi Jinping, the BRI is a global infrastructure development strategy to invest in nearly 150 countries and international organizations, enhancing connectivity and facilitate smoother trade flows between Asia, Europe, and Africa,” ayon sa ulat.

Nagkasundo rin ang Manila at Beijing sa pag-handover ng sertipiko ng Philippine-Sino Center for Agricultural Technology-Technological Cooperation Phase III (PHILSCAT-TCP III).

Tinintahan din ng dalawang bansa ang MOU sa pagitan ng Ministry of Industry and Information Technology ng China at Department of Information and Communications Technology (DICT) hinggil sa digital at information and communications technology (ICT) cooperation ng Pilipinas.

Nagkasundo rin ang dalawang bansa sa protocol ng phytosanitary requirements para sa pag- export ng fresh durian mula Pilipinas patungong China sa pagitan ng DA at General Administration of Customs ng China.

Sinelyuhan din ang pag- handover ng sertipiko ng dalawang China-aid bridge projects sa Maynila, ang Binondo-Intramuros bridge at ang Estrella-Pantaleon bridge.

Kapuwa rin sumang-ayon ang dalawang bansa sa framework agreement para sa Renminbi-portion ng loan financing para sa tatlong priority projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Apat na loan agreements din ang sinelyuhan para sa mixed-credit financing (US Dollar and Renminbi) ng tatlong priority bridge projects sa ilalim ng public works department.

Kapuwa nagkasundo rin ang gobyerno ng Pilipinas at China sa implementasyon ng MOU ukol sa turismo sa pagitan ng Department of Tourism (DOT) ng Pilipinas at Ministry of Culture and Tourism ng Tsina.

Sinelyuhan din ng dalawang bansa ang MOU sa pagitan ng Department of Trade and Industry (DTI) at Ministry of Commerce of China ukol sa electronic commerce cooperation; isang MOU sa pagitan ng National Economic and Development Authority (NEDA) at International Development Cooperation Agency on the Development Cooperation Plan 2023-2025 ng China; at isang kasunduan hinggil sa “economic and technical cooperation” sa pagitan ng China at Pilipinas.

Kabilang din sa listahan ang mutual recognition agreement sa pagitan ng General Administration of Customs ng China at Bureau of Customs (BOC) ng Pilipinas ukol sa authorized economic operator program, at isang kasunduan para sa pagtatatag ng communication mechanism ukol sa maritime issues sa pagitan Department of Foreign Affairs (DFA) ng Pilipinas at Ministry of Foreign Affairs ng China. Kris Jose