ISIS member, 2 pa arestado sa Lanao

August 18, 2022 @11:48 AM
Views:
74
LANAO DEL SUR–ARESTADO ang tatlong terorista kanilang isang miyembro ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS), sa ginawang operasyon ng mga awtoridad noong Martes sa probinsyang ito.
Sa bisa ng search warrant sa paglabag sa Republic Act 1059 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, nadakip ng mga tauhan ng CIDG at operatiba ng Marantao Police Station nadakip ang mga suspek na kinilalang sina Mastura Disomala, 43, dating Barangay Chairman at dalawang kasama na sina Samen Mamasao, 23 at Moca Giambal, 25, pawang taga Marantao, Lanao Del Sur.
Ayon kay Col. Richard Verceles, operations chief Area Police Command-Western Mindanao, dakong 3:45AM nadakip ang mga suspek sa Barangay Palaw Rana-Ranao , Marantao, Lanao del Sur.
Nakuha mula sa mga suspek ang One unit M16 with Scope AFP Property Caliber 5.56 with SN. DL162793; One unit M16 Colt Cal. 5.56 with SN. 9051451; 1- M14 Rifle with SN. 420879; 1- Ingram Cal. 9mm with SN.152556; 1- Colt Officers ACP Cal. 45 with SN. 165471; 1- Hand Grenade; 1-magazine of Cal 5.56 rifle with 20 live Ammunition; 2-magazines of Cal. 7.56 rifle with 29 live Ammunition; 1 (magazine of Ingram 9mm with 13 live ammunition; at 1 magazine of Cal.45 with 7 live ammunition.
Sinabi pa ng pulisya, na si Disomala ay siya rin ang nagpapatakbo ng pribadong armadong grupong Dawlah Islamiya.
Pinuri naman ni PNP Chief, Police General Rodolfo S Azurin Jr., ang malaking operasyon ng tropa ng pamahalaan laban sa mga teroristang grupo.
“We laud our detectives from CIDG and operatives from the Marantao Police Station for a job well done. The armed suspects may pose threat to the communities, notwithstanding reports tagging them as local terrorists. This is a major accomplishment in our fight against insurgency and terrorism but the quest to achieve peace and order continues and we will be relentless,” ani Azurin./Mary Anne Sapico
Grupong tututok sa isyu ng no contact, binuo ng LTO

August 18, 2022 @8:44 AM
Views:
61
MANILA, Philippines – Bumuo ng Technical Working Group (TWG) ang Land Transportation Office (LTO) para tutukan ang pagresolba sa mga isyung nakapalibot sa No Contact Apprehension Policy (NCAP) na pinatutupad ng ilang mga lokal na pamahaalan sa kalakhang maynila.
Kahit na may mga pag-uusap na ang mga lokal na pamahalaan kabilang ang Lungsod Quezon at ang Metro Manila Development Authority (MMDA) pati na rin ang mga transport group, isang TWG pa rin ang itinatag sa layuning matiyak na magiging maayos ang kauuwian ng mga isyu sa palibot ng NCAP.
Magugunita na una nang nagsampa sa Korte Suprema ang mga transport group upang pigilan ang implementasyon ng NCAP.
Nagkaroon na rin ng serye dayalogo at diskusyon subalit hindi pa kuntento dito ang LTO.
Sinabi ni Land Transportation Office Assistant Secretary Teofilo Guadiz III tatalakayin ng TWG ang mga suhestyon at mga panukala ng mga may nais na mapabuti at mapaganda ang NCAP.
Bukas ang tanggapan sa posibilidad na maplantsa rin sa mga darating na araw ang anumang suliranin kaugnay sa pagpapatupad ng NCAP. ng ilang mga siyudad National Capital Region (NCR).
Umaasa naman ang LTO na mas magiging mas bukas ang mga lokal na pamahalaan sa mga mapagkakasunduang suhestyon sa mga suliranin ng ilang mga drayber at operator sa NCAP. Jan Sinocruz
2 centenarian sa Navotas nakatanggap ng tig-P100K

August 17, 2022 @1:55 PM
Views:
82
MANILA, Philippines- Personal na iniabot ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco kasama ang kinatawan ng DSWD-NCR at OSCA upang iaabot ang cheke na nagkakahalaga ng P100,000 sa dalawang centenarian na sina Florentina Evangelista ng Tanza 1 at Leonila Siajuat ng Brgy. San Jose na una na ring nakatanggap ng tig-P10,000 mula sa pamahalaang lungsod nang magdiwang sila ng kanilang kaarawan noong Marso at Abril. Jojo Rabulan
12 NPA na sumuko nakatanggap ng P240K sa DSWD

August 15, 2022 @10:31 AM
Views:
152
AGUSAN DEL SUR- UMABOT sa P240-K na tulong ang natanggap na 12 dating miyembro ng New People’s Army (NPA) na nagbalik-loob sa pamahalaan noong Biyernes.
Sa pahayag ng 26th Infantry Battalion (26IB) sa ginanap na seremonya noong Biyernes sa Naliyagan Cultural Center in Patin-ay, Prosperidad, Agusan del Sur ang 12 dating rebelde ay sumuko noong nakaraan taon.
Personal na tinanggap nila ang livelihood assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
“Each of the 12 former rebels under this unit received assistance worth PHP20,000 or a total of PHP240,000 through the Livelihood Settlement Grant (SLG) program of the DSWD,” ani ng 26IB.
Ang programang LSG ay dinisenyo upang magbigay ng tulong sa mga dating rebelde bilang paghahanda sa kanilang mga sarili na bumalik sa kanilang mga pamilya at komunidad.
Ang paggawad ng tulong pinansyal ay pinadali sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa ilalim ng Executive Order No.
Ang LSG ay ang programa program is designed to provide assistance to former rebels as they prepare themselves to return to their families and communities.
The awarding of the financial assistance was facilitated through the convergence of different government agencies under Executive Order No. 70 na nag-institusyunal sa buong bansa para tapusin ang Local Communist Armed Conflict.
Pinangunahan ni Agusan del Sur Gov. Santiago Cane Jr., kasama sina DSWD Provincial Officer Razel Montemor, Department of the Interior and Local Government Provincial Officer Arleen Sanchez, Lt. Col. Merill Sumalinog, commander ng 60th Infantry Battalion, at Lt. Col. Sandy Majarocon, commander ng 26IB ang pamamahagi ng assistance.
Nagpasalamat naman ang isa sa 12 dating rebelde na si alyas Rex sa pamahalaan at binigyan sila ng panibagong buhay .
“The government is true to its promise of providing us support to allow us to live peacefully after leaving the communist movement,” ani pa ni Rex sa pahayag ng 26IB.
Labis naman ikinatuwa ni Majarocon ang pagpapalabas ng tulong pangkabuhayan na nagpapakita ng tunay na layunin ng pamahalaan na baguhin ang buhay ng mga dating rebelde.
“I am asking our former rebels who benefited from this program to be financially sensible and make wise of their money which is duly intended for their livelihood and family,” ani pa ni Majarocon./Mary Anne Sapico
August 14, 2022 @3:59 PM
Views:
54