14 crew nakaligtas sa bangkang lumubog sa N. Samar

14 crew nakaligtas sa bangkang lumubog sa N. Samar

December 8, 2021 @ 6:33 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Nakaligtas ang 14 crew member ng bangkang lumubog sa Capul, Northern Samar, batay sa Philippine National Police (PNP).

Lulan ang 14 ng M/V Noah Akim na may dalang generator set ng National Power Corporation (Napocor) nang kalampagin ng mga malalaking alon.

Sa ulat, umalis ang bangka sa San Isidro, Northern Samar bandang 12 p.m. at naglayag ng tatlong oras bago pa sapitin ang insidente.

“The strong wind and the waves destroyed the hull of the motorboat and the cargo generator sank into the seawater of Capul. When the said generator set sank in the sea, they (crew) abandoned the motorboat and they swam towards the shore. All the crew members were safe and unharmed,” dagdag ng PNP.

Ang lulan nitong generator ay para sana sa diesel power plant ng Napocor sa Capul na nagdedeliber ng serbisyo ng kuryente sa mga residente. RNT/FGDC