14 dumalo sa burol, patay sa landslide

14 dumalo sa burol, patay sa landslide

November 28, 2022 @ 11:10 AM 2 months ago


YAOUNDE – Patay sa landslide ang 14 indibidwal na dumadalo sa burol, sa kapital ng Cameroon, Yaounde, nitong Linggo ayon sa gobernador ng rehiyon.

“We are carrying the corpses to the mortuary of the central hospital, while the search for other people, or corpses, is still ongoing,” pahayag ni Naseri Paul Bea, gobernador ng Cameroon’s Centre region.

Ilang indibidwal ang dumalo sa burol sa soccer pitch sa base ng 20-meter high soil embankment, na gumuho sa kanila, ayon sa mga saksi.

Ang Yaounde ang isa sa wettest cities ng Africa. Dahil sa malakas na ulan, ilang beses nang binaha ang lugar ngayong taon, dahilan upang bumigay ang mga imprastraktura at lumikas ang libo-libong indibidwal. RNT/SA