14 foreign tourists, 2 lokal na bumisita sa Tubbataha sapul sa COVID-19

14 foreign tourists, 2 lokal na bumisita sa Tubbataha sapul sa COVID-19

May 25, 2022 @ 2:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Hindi bababa sa 16 indibidwal, kabilang ang 14 dayuhang turista, na bumisita sa Tubbataha Reefs Natural Park sa Puerto Princesa ang nag-positibo sa COVID-19, ayon sa Incident Management Team ng Puerto Princesa.

“So all in all po meron tayong 14 na turista na nag-positive at dalawang local crew po ng malaking yate na po ito. So 16 lahat talaga sumatotal, out of 43 na katao na sumakay po ng yate,” ani IMT commander Dr. Dean Palanca nitong Martes.

Base kay Palanca, ipadadala ang samples mula sa hindi bababa sa 10 sa nga turista sa Philippine Genome Center upang matukoy kung anong variant ng coronavirus ang tumama sa kanila.

Kasalukuyang namamalagi ang mg nag-positibo sa COVID-19 sa quarantine facility sa Puerto Princesa. RNT/SA