14 indibidwal nareskyu ng PCG, Navy sa motor launch sa Tawi-Tawi

14 indibidwal nareskyu ng PCG, Navy sa motor launch sa Tawi-Tawi

September 15, 2021 @ 10:06 AM 7 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nareskyu ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Navy (PN) ang nasa 14 indibidwal sa nasirang motor launch sa Sibutu Passage sa  Tawi-Tawi noong Setyembre 10.

Sa incident report, ang motor launch Faramae ay nagkaroon ng engine trouble dahil sa mechanical failure habang papuntang Taganak Island papuntang Bongao, Tawi-Tawi.

Agad namang nag-deploy ng rescue team ang mga awtoridad para hanapin ang anim na pasahero at walong crew member sa distressed vessel.

Sinabi ng PCG na ang mga na-rescue ay naiuwi na sa kani-kanilang pamilya. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •